Saturday, April 25, 2015

Tropa!







The people whom you can lean on when you're facing unbearable challenges. They are the one whom you easily talk to pag wala time makinig yung family mo sayo, pag ayaw mo ng makadagdag sa intindihin nila. Pag ang bigat-bigat na ng loob mo. Yung feeling mo eh, pasan mo yung mundo. Perosyempre pag may lungkot, may saya. Kaya nga tinawag na tropa diba?
Yung tipong kahit seryoso yung usapan, nahahaluan ng mga kalokohan. Yung kalokohan na, pag mag-isa ka na lang eh, matatawa ka pag naalala mo. Mapagkakamalan ka pang baliw kasi natatawa ka lang mag-isa bigla.
Yung feeling na akala ng iba simple ka, tahimik ganyan. For short is, akala nila matino ka. Pero kapag kasama mo yung TROPA? Hay! Kumbaga sa panahon, CLIMATE CHANGE!
Lumalabas na yung mga tinatago mo. Lumalabas na yung pagiging natural mo. Madaldal, magaslaw, kalog, maingay, wagas makatawa. Yan yung hindi mawawala sa tropa. Yung mga kalokohan na walang humpay, OP ka pa pag di ka nakasabay. Pero yan din ang kumukumpleto sa barkada. Hindi masaya pag walang SLOW, pag walang BULLY, pag walang TAHIMIK pero nasa loob yung kulo, yung HUGOT ng hugot kahit wala namang kinalaman sa usapan, yung TIGA-TAWA lang at yung walang imik pero pag bumanat, HAVEY!

Pero ang dapat tandaan sa isang pagkakaibigan is, it's either about TWO main things. First is to find out the SIMILARITIES. And the second one is to respect the DIFFERENCES.

Karma Strikes!




 KARMA .. that’s the best term pag alam mong bumabalik sayo yung mga maling nagawa mo. Wether nasabi mo sa iba or what. Mare-realize mo lang yun pag ikaw na yung nasa sitwasyon. Tama sila, magaling tayo magsabi ng dapat gawin ng iba pero kapag tayo na, parang ang hirap na diba? Sabi nga sa Golden Rules, "Do unto others what you want others do unto you."
Napakasimple, makisama ka lang. Magpasensya. Pero sa lahat ba ng oras may baon kang pasensya? Lahat ba ng taong makakasalamuha mo eh, pakikisamahan ka the way kung pano mo sila pakisamahan? Well, yan yung dahilan kung bakit nadadala tayong maging mabait sa lahat ng oras. Maging mapagbigay sa lahat ng oras. Maging matulungin sa lahat ng oras. Kasi yung iba sinasamantala na lang yung kabaitan na ipinapakita natin sa kanila. May mga time siguro na kahit ano yung mabuti mong gawin sa kanila eh hindi ganun yung binabalik nila. Pero lahat naman ng bagay may dahilan.
Siguro yung tao na yun na ginawan mo ng mabuti, may pinagdadaanan lang na mabigat nung time na yun. Try din natin i-consider yun minsan. O kaya yung tao na yun eh ayaw ka lang talaga. May possibility..
Pero di ba hindi naman kabawasan sa atin kung mabuti yung ipapakita natin sa kanila, instead nakakatulong ka pa nga na ma-realize nila na mali yung ginagawa nila. At least alam mo sa sarili mo na wala kang ginagawang masama. Hindi naman kasi natin hawak ang utak ng ibang tao. And most especially, magkakaiba tayo. Hindi lahat ng oras, yung nararamdaman mo eh yun din yung nararamdaman ng iba. Respect their feelings. At kung dumating yung oras na napuno ka na at naiisip mo ng gumawa ng hindi maganda. Think twice, isipin mo muna kung anong maidudulot nun, at kung anong balik sayo nun. 

Wednesday, April 22, 2015

Ang Haba ng Hair! :D








February 14, 2015. Hay! Araw na naman ng mga taong OA! XD Bitter ba? 
Well, ganun kasi yung tingin ng ko sa mga magpa-partner na kung saan-saan lang nagkalat. 
Yung tipong kahit saan ka magawi ng tingin, MERON. 
May time pa na, yung girl eh sobrang ganda, tapos yung boy WALEY! 
Hay! Love is blind nga talaga. Meron pa, sa gilid-gilid lang. 
Kahit mainit, todo outfit, todo holding hands. At take note, naka-COUPLE SHIRT pa. 
Eh di kayo na! OH MY! My …….. FOREVER ba? Ang baduy! 
Parang galling lang sa REUNION ah. Taray! Ganun na ba talaga ka-BIG DEAL sa kanila yun? Ang babata pa kung makapag-expose ng ganun parang ikakasal na sila bukas. I admit, teenager din ako pero NEVER ko pa nagawa yun. Ayoko mahusgahan ng ibang tao. Ayoko makita nila na iba-iba yung kasama ko. Although alam kong hindi mawawala yun, eh ARAL muna. Kailangan maging STICK muna ko sa standards ko. (Susyal) Pero PROUD ako dun!
12am na pala .. Habang naghihintay ako ng jeep, may dumaang couple sa harap ko. 
Tiningnan ko yung girl,rebonded, naka-skirt with heels, ayos na ayos ah? Ganyan yung outfit tapos maglalakad sa kalsada.
Graaabbbeee … And yung boy, medyo matangkad, at infairness ang neat nyang tingnan.
NEAT lang ah? Di pa sila nakakalayo, may dumaan ulit sa harap ko, isa pang lalaki. Medyo haggard yung itsura, mukang kagigising lang. Napaatras pa nga ako kasi, napatingin sya sa gawi ko. Muka syang galit, o ganun lang talaga itsura nya? XD
Then di ko na pinansin, nagulat na lang ako nung narinig ko yung boses ng babae, bigla kasing tinulak ni Haggard Boy yung kasama nung girl, napaupo tuloy  sa kalsada si Neaty Boy. Kawawa naman, tapos hinaltak ni Haggard Boy yung girl. Ang dami nyang sinabi dun kay Neaty Boy, puro bad words. Ang bad pala nun? Parang yung muka nya lang? so freakin’ bad! (Peace! ^_^)

Para kong nanonood ng teleserye dito ah? Haba ng  hair. Audience lang talaga ko palagi ganun?

 Hanggang sa dumaan na ulit sila, si girl kasama si Haggard Boy. Dun ko lang natitigan mabuti si girl. GRABE, pag nakatalikod lang pala maganda. Pagharap, ABSTRACT na. Anyare sa FESLAK teh?

 Nakaka-tagyawat ba talaga ma-inlove o  talagang nakaka-inlove lang  yung tagyawat mo at dalawang boy yung nag-aagawan sayo? Yung TOTOO?!

Araw ng pagmamahalan ngayon, hindi araw ng pag-aagawan. AnuBaYan? EKSENA!


Buti pa sila LOVELIFE lang pino-problema. Ako problema ko pa kung pano ko makakauwi, may dumaan na palang jeep. LAGOT NA!


Tuesday, April 21, 2015

Nanay and I ^_^








Kami yung minsan magkaibigan, minsan mag-nanay,
 minsan magkaaway, pero madalas magkaibigan lang talaga.
 Ewan, siguro di lang ako yung sweet, vocal. 

Hindi ako yung may pakiss-kiss, may pabeso-beso? 
May pahug-hug pag may tao?
 Di naman kasi dun naipapakita yun.

 Hindi naman lahat ng mga anak na ganun sa nanay nila eh,
 matitino o hindi naman lahat sinusunod talaga sila. 
Yung iba nga pang-uto lang yun?

 Ako kasi hindi, pag ayaw nya eh di wag? 
Pero pag kailangan talaga, dun pa lang ako magpupumilit.
 Syempre kung importante naman talaga.

 Ipapaliwanag mo naman kung
 bakit kailangan at bakit naging importante eh. 
Yung tipong maaga kang gigising,
 gagawin mo na lahat yung mga dapat mong gawin sa bahay, 
para pagkatapos wala na syang masasabi diba ?

 Sabi nga nila, mahirap magpaalam sa taong mahal mo, 
pero mas mahirap magpaalam pag galit yung nanay mo!
Well, kaya lang naman yun
 magagalit pag tanghali na wala ka pa din nagagawa. 

Tanghali na nakahilata ka pa. 
Kaya paggising mo maririnig mo lang ay .....

asdfghjklzxcvbnm !!!
 Booooooooooommmmmmm Ratatat Combat !!!
Suuuuppppeeeeer daming utooos ....

Tinatawanan ko na lang. Minsan nga eh nasabi ko na lang ...
JUSKO PO LORD! :'(
 Buti pa po kayo SAMPU lang yung utos nyo,
 eh yung nanay ko po, UNLIMITED!

My God! Buti na lang sanay na ko. 
At hanggang ngayon nakatatak to sa utak ko.
Na “Bago mo sundin yung tibok na puso mo,
sundin mo muna yung SIGAW ng nanay mo!” 



 <3


Happiness :)






Paano ba maging masaya ?  
Simple lang diba?
 Gawin mo yung gusto mo. 
Gawin mo kung ano yung makakapagpakuntento sayo.
Yung masa-satisfy mo yung sarili mo.

Ganun lang kasimple pero ...
Kung ganun kadaling sabihin, 
ganun lang din kaya kadaling gawin ?

Na sa simpleng bagay na yun,
 aalalahanin mo pa kung ano yung maidudulot nun sa iba.
 Kung makakatulong ba yun o hindi,
 or worstly, kung makaka-apekto ba to sa kanila.

 Kung ano ba yung magiging reaksyon nila,
 kung may masasabi ba sila ?
Well, sabagay kahit ano naman gawin natin, 
hindi pwedeng walang masasabi yung mga taong nakapaligid satin.

Nature na nga talaga ng tao yun.
 Even in such smallest thing, they can easily jump into a conclusion.
Yung JUDGEMENT ba?
 Yun yon eh ...
 That’s the first thing comes into our mind when we’re talking about happiness ...

Ano yung magiging reflection mo sa ibang tao
 pag pinush through mo na yung gusto mong gawin.
 In the end, sasabihin mo na lang.
 “Wag na nga lang.”
 “Next time na lang, may bukas pa naman eh?”

 Pero deep inside, “Sayang!” :’(

Panghihinaan ka ng loob, 
kaya nga sabi nila, hindi lahat ng tao malakas.
 May kahinaan din sila. Lahat tayo may kahinaan.

 Siguro kasi puro negative vibes yung mga nakapaligid satin.
 Minsan di pa nga tayo nakaka-first move
 sa gusto natin dini-discourage na agad nila tayo.

Pero diba dapat mas nagiging malakas tayo. 
Lalo na pag alam natin na nasa LUGAR at nasa TAMA naman tayo.
 Siguro ngayon mahina pa tayo.
 Pero verything happens naman in perfect time. 

Don’t lose hope.
Everyone deserves to be happy.
A perfect happiness that you DESERVED! 

<3





Friday, April 17, 2015

Never Say Sayang, Sa taong Di Naman Kahina-Hinayang!

This is the day na super duper daming kailangan gawin. But still, andito pa rin ako sa loob ng kwarto. Nakahilata, nakatulala, nakatunganga, lutang as in NGANGA!
Di ko maisip kung anung uunahin kong gawin, para kasing hindi pa nagsi-sink in sa utak ko yung mga nangyari nung mga nakaraang araw. Well, let me tell you the whole story.

That night, I was reading a book, may poem don entitled, “The Passionate Shepherd To His Love”  by Christopher Marlowe. Wow! May ganito pa ba? Pa-ulit-ulit ko binasa yung tula kasi may mga words dun, na dun ko lang unang nabasa. Pero ang pinaka-point talaga ng tula is about courtship, courtship to relationship. Hmm? Napaka-ideal man nung writer <3 kung wala lang syang negative backgrounds sa totoong buhay. Hayy, wala talagang perfect na tao. Habang binabasa ko ulit yung poem, someone texted me (unrecognized number) saying “Kamusta?”. Two send pa, demanding? I ignored it, kung may importante syang sasabihin magpapakilala sya, hindi yung pakamu-kamusta? Pag ba sinabi kong hindi ako okay may magagawa ba sya?
 Medyo nakaka-curious din na nakakaasar. >.<
 Then, naalala ko, may kailangan nga pala kong reviewhin. Wala akong panahon sa mga ganyang bagay.
Period. :-/
Then the next day, naka-receive na naman ako ng texts from that number. I was really confused. Nakita daw nya ko? So, kilala pala ko neto. I guess nanti-trip lang to, sinusubukan nya ko kung papatulan ko sya.
There it was, HECTIC days .. mas lalo ako nawalan ng time for cellphones, gadgets, facebook, etc. but I continue receiving texts from that  number.
On the next day, hindi ko alam kung natiyempuhan lang or dapat na talagang mangyari. I find out na that number who was texted to me this past few days, is one of my boy schoolmates. And take note, he’s one of my CRUSHES in campus. Masaya na sana kaso may GF naman pala sya.
(CONFUSED ??) 
Tinanong ko yung sarili ko, Did he just trying to cheated on? Bakit sya magtetext sa iba kung FAITHFUL sya sa partner nya? Hindi naman sa NEGA, pero syrempre maiisip mo din yun. 
Pero bakit nga ba?
?
?
Makikipag-kaibigan? Well, pwedeng excuse. Pero pano kung SELOSA gf nya? Eh di nagulo ko lang sila?
Pano kung magchi-cheat nga sya? Whoah! NO WAY! >.<
 I can’t imagine na may masisira akong relasyon dahil lang dun. I’m not that desperate.
That day naalala ko yung nabasa kong poem.
Lahat ng bagay nagsisimula sa maliliit na decision, hanggang sa di mo na alam na yun na pala yung nagpapaikot sayo.
Then suddenly, I heard some of those students saying, “Never say SAYANG sa taong DI naman kahina-hinayang.” Tapos nagtawanan sila.
I smiled, totoo naman. Maybe it’s not the right time para manghinayang, maybe some other time. Yung mayron ng valuable reason at hindi yung makakasira ng relasyon.

True Love Waits :)



True Love Waits!

 Yes, halos lahat EXPRESSION na yan.
 Minsan nga kahit wala namang koneksyon
 sa usapan sinasabi nalang yan kabod. 
Yung PAUSO ba? 

Pero ano ba talaga ibig sabihin ng True Love Waits?
Masasabi mo ba na maghihintay ka lang,
may true love ka na?
Ngunit ba naghintay ka may lalapit na lang sayo, 
tapos true love na?

Ang daling sabihin sa iba pero pag ikaw na yung nasa lugar
at naghihintay, parang ang hirap diba?

Minsan maiisip mo din, paano pag lumipas
 yung mga araw tapos wala pa din? 
Yung tipong yung mga taong nakapaligid sayo,
 nakikita mo na masaya sila. 

In a way na, parang kuntento na sila sa buhay nila 
kasama yung mga partner nila. 
Although alam mo naman sa sarili mo na minsan 
may pinagdadaanan din naman sila.

Pero kung ikaw yung nasa lugar nila, 
ganun ka din ba kasaya?

Well, siguro nga lahat ng tao magkakaiba, 
magkakaiba ng dapat kalagyan, 
magkakaiba ng kapalaran.
 Magkakaiba ng PURPOSE sa buhay.

Pero back to the topic, is it WORTH it ba
 to wait for the true love to come?
Or in the end it is WORTHLESS to become hopeless
 for the things that you want to do now 
and push through than to wait for it?

Perhaps, my professor is absolutely right, 
that life is a series of choices, 
when you believe in true love, it’s your choice. 
When you want to believe in FOREVER, then it’s your choice.

 Basta kung alam mong tama, do it. 
Pag dumating yung opportunity, then grab it.
 Do your best. 

Walang masama, dahil kaya lang naman magiging masama yung isang bagay
 pag alam mo na lumalaqgpas ka na sa limitations
 na si-net mo para sa sarili mo,
na alam mong hindi pa naman dapat.

Goodluck! :)