KARMA .. that’s the best


Napakasimple, makisama ka lang. Magpasensya. Pero sa lahat
ba ng oras may baon kang pasensya? Lahat ba ng taong makakasalamuha mo eh,
pakikisamahan ka the way kung pano mo sila pakisamahan? Well, yan yung dahilan
kung bakit nadadala tayong maging mabait sa lahat ng oras. Maging mapagbigay sa
lahat ng oras. Maging matulungin sa lahat ng oras. Kasi yung iba sinasamantala
na lang yung kabaitan na ipinapakita natin sa kanila. May mga time siguro na kahit
ano yung mabuti mong gawin sa kanila eh hindi ganun yung binabalik nila. Pero
lahat naman ng bagay may dahilan.
Siguro yung tao na yun na ginawan mo ng mabuti, may
pinagdadaanan lang na mabigat nung time na yun. Try
din natin i-consider yun
minsan. O kaya yung tao na yun eh ayaw ka lang talaga. May possibility..

Pero di ba hindi naman kabawasan sa atin kung mabuti yung
ipapakita natin sa kanila, instead nakakatulong ka pa nga na ma-realize nila na
mali yung ginagawa nila. At least alam mo sa sarili mo na wala kang ginagawang
masama. Hindi naman kasi natin hawak ang utak ng ibang tao. And most
especially, magkakaiba tayo. Hindi lahat ng oras, yung nararamdaman mo eh yun
din yung nararamdaman ng iba. Respect their feelings
. At kung dumating yung
oras na napuno ka na at naiisip mo ng gumawa ng hindi maganda. Think twice,
isipin mo muna kung anong maidudulot nun, at kung anong balik sayo nun.

No comments:
Post a Comment