February 14, 2015. Hay! Araw na naman ng mga taong OA! XD
Bitter ba?
Well, ganun kasi yung tingin ng ko sa mga magpa-partner na kung
saan-saan lang nagkalat.
Yung tipong kahit saan ka magawi ng tingin, MERON.
May
time pa na, yung girl eh sobrang ganda, tapos yung boy WALEY!
Hay! Love is
blind nga talaga. Meron pa, sa gilid-gilid lang.
Kahit mainit, todo outfit,
todo holding hands. At take note, naka-COUPLE SHIRT pa.
Eh di kayo na! OH MY!
My …….. FOREVER ba? Ang baduy!
Parang galling lang sa REUNION ah. Taray! Ganun na ba talaga ka-BIG DEAL sa kanila yun? Ang babata pa kung makapag-expose ng
ganun parang ikakasal na sila bukas. I admit, teenager din ako pero NEVER ko pa
nagawa yun. Ayoko mahusgahan ng ibang tao. Ayoko makita nila na iba-iba yung
kasama ko. Although alam kong hindi mawawala yun, eh ARAL muna. Kailangan
maging STICK muna ko sa standards ko. (Susyal) Pero PROUD ako dun!
12am na pala .. Habang naghihintay ako ng jeep, may dumaang
couple sa harap ko.
Tiningnan ko yung girl,rebonded, naka-skirt with heels,
ayos na ayos ah? Ganyan yung outfit tapos maglalakad sa kalsada.
Graaabbbeee …
And yung boy, medyo matangkad, at infairness ang neat nyang tingnan.
NEAT lang ah? Di pa sila nakakalayo, may
dumaan ulit sa harap ko, isa pang lalaki. Medyo haggard yung itsura, mukang
kagigising lang. Napaatras pa nga ako kasi, napatingin sya sa gawi ko. Muka
syang galit, o ganun lang talaga itsura nya? XD
Then di ko na pinansin, nagulat na lang ako nung narinig ko
yung boses ng babae, bigla kasing tinulak ni Haggard Boy yung kasama nung girl,
napaupo tuloy sa kalsada si Neaty Boy.
Kawawa naman, tapos hinaltak ni Haggard Boy yung girl. Ang dami nyang sinabi
dun kay Neaty Boy, puro bad words. Ang bad pala nun? Parang yung muka nya lang? so freakin’ bad! (Peace! ^_^)
Para kong nanonood ng teleserye dito ah? Haba ng hair. Audience lang talaga ko palagi ganun?
Hanggang sa dumaan na
ulit sila, si girl kasama si Haggard Boy. Dun ko lang natitigan mabuti si girl.
GRABE, pag nakatalikod lang pala maganda. Pagharap, ABSTRACT na. Anyare sa
FESLAK teh?
Nakaka-tagyawat ba talaga ma-inlove o talagang nakaka-inlove lang yung tagyawat mo at dalawang boy yung
nag-aagawan sayo? Yung TOTOO?!
Araw ng pagmamahalan ngayon, hindi araw ng pag-aagawan.
AnuBaYan? EKSENA!
Buti pa sila LOVELIFE lang pino-problema. Ako problema ko pa
kung pano ko makakauwi, may dumaan na palang jeep. LAGOT NA!
naiwanan ka ba ng jeep.?
ReplyDeleteHAHAHA! :D
ReplyDelete