Saturday, April 25, 2015

Tropa!







The people whom you can lean on when you're facing unbearable challenges. They are the one whom you easily talk to pag wala time makinig yung family mo sayo, pag ayaw mo ng makadagdag sa intindihin nila. Pag ang bigat-bigat na ng loob mo. Yung feeling mo eh, pasan mo yung mundo. Perosyempre pag may lungkot, may saya. Kaya nga tinawag na tropa diba?
Yung tipong kahit seryoso yung usapan, nahahaluan ng mga kalokohan. Yung kalokohan na, pag mag-isa ka na lang eh, matatawa ka pag naalala mo. Mapagkakamalan ka pang baliw kasi natatawa ka lang mag-isa bigla.
Yung feeling na akala ng iba simple ka, tahimik ganyan. For short is, akala nila matino ka. Pero kapag kasama mo yung TROPA? Hay! Kumbaga sa panahon, CLIMATE CHANGE!
Lumalabas na yung mga tinatago mo. Lumalabas na yung pagiging natural mo. Madaldal, magaslaw, kalog, maingay, wagas makatawa. Yan yung hindi mawawala sa tropa. Yung mga kalokohan na walang humpay, OP ka pa pag di ka nakasabay. Pero yan din ang kumukumpleto sa barkada. Hindi masaya pag walang SLOW, pag walang BULLY, pag walang TAHIMIK pero nasa loob yung kulo, yung HUGOT ng hugot kahit wala namang kinalaman sa usapan, yung TIGA-TAWA lang at yung walang imik pero pag bumanat, HAVEY!

Pero ang dapat tandaan sa isang pagkakaibigan is, it's either about TWO main things. First is to find out the SIMILARITIES. And the second one is to respect the DIFFERENCES.

No comments:

Post a Comment